TV

Chariz Solomon at Jen Rosendahl, taos-puso ang pasasalamat na naging parte ng isang dekada ng 'Pepito Manaloto'

By Aedrianne Acar

Walang hanggang pasasalamat! Ito ang nararamdaman ng mga aktres na sina Chariz Solomon at Jen Rosendahl sa pagkakasama nila sa multi-awarded Kapuso sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento na isang dekada na napapanood sa telebisyon ngayong 2020.

Netizens celebrate 10 years of quality comedy courtesy of 'Pepito Manaloto'

Ang StarStruck alumna na si Chariz na gumaganap na asawa ni Patrick (John Feir) na si Janice, sinabi sa kanyang Instagram post na malaking tulong ang sitcom para maipakita nila ang tunay nilang galing.

Saad niya, "The Lord has done me a very huge favor for the shows I'm honored to be part of right now. Thank you Pepito Manaloto family for taking care of us and bringing out the best in all of us.
I am home. Happy 10 years of quality entertainment!"


Nag-post naman ng mga throwback photo ang former Viva Hot Babe na si Jen Rosendahl ng kanyang past taping niya sa Pepito Manaloto. Sa caption sinulat niya na. "Love my Pepito Fam."


Aliw ang mga viewer at netizen kay Jen sa pag-portray niya sa mala-robot na kasamabahay nina Deedee (Jessa Zaragoza) at Mimi (Nova Villa) na si Berta.

Kaya piliin mag-bonding with the whole family by watching the sitcom na isang dekada na kayong pinapatawa! Tumutok sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento every Saturday night pagkatapos ng 24 Oras Weeked!

Pepito Manaloto: 10 years after

Mikoy Morales, sinabing hindi lang si Tommy ang may malaking utang sa 'Pepito Manaloto'