GMA Logo julie anne san jose on pepito manaloto
What's on TV

Julie Anne San Jose, nakita ang pag-mature ng characters nila ni Jake Vargas sa 'Pepito Manaloto'

By Aedrianne Acar
Published May 20, 2020 4:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

julie anne san jose on pepito manaloto


Punung-puno ng papuri ang Asia's Pop Diva na si Julie Anne San Jose sa mga bumubuo ng 'Pepito Manaloto,' "I'm very happy with Pepito Manaloto and sobrang promising po 'yung show."

Napangiti ang award-winning Kapuso singer na si Julie Anne San Jose nang matanong ng GMANetwork.com tungkol sa 10th anniversary ng high-rating sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.

Nakausap ng GMANetwork at iba pang entertainment reporters si Asia's Pop Diva sa online chikahan na inorganisa ng Corporate Communications Department ng Kapuso Network kanina, May 20.

Netizens celebrate 10 years of quality comedy courtesy of 'Pepito Manaloto'

LOOK: Jake Vargas and Angel Satsumi, best celebrity TV siblings

Kuwento ni Julie Anne, na gumaganap bilang Nikki na ex-girlfriend naman ng anak ni Pepito (Michael V.) na si Chito (Jake Vargas), nagawa pa niyang makapag-taping sa Kapuso sitcom bago ang enhanced community quarantine.

Panay din ang papuri ng Julie Anne sa naturang sitcom sa magandang pagkakasulat nito lalo na ang creative team sa pangunguna ni Michael V.

Aniya "I'm very happy with Pepito Manaloto and sobrang promising po 'yung show and, siyempre, hindi lang siya nakakatawa, nandun lahat ng emotions, e.

"Parang naging roller coaster 'yung emotions sa Pepito Manaloto, when it comes to like script.

"Sobrang talino ng writers, si Kuya Bitoy, sobrang like, wow, sobrang lodi, grabe!

"Siyempre, sa lahat ng bumubuo ng Pepito Manaloto, sobrang thankful kasi award-winning show."

Natuwa din siya sa nakita niyang character development ni Nikki pati na rin ng role ni Jake Vargas sa Pepito Manaloto.

"Alam mo na nag-mature both characters e, kasi madami na nangyari sa kanila. Madami nang pinagdaanan- good and bad.

"Siguro ang magiging general realization ko sa relationship ni Chito and Nikki, they are really good friends. Naging sila, tapos [kahit nag-end 'yung relationship] sobrang okay sila."

"Gusto ko ako 'yung may gift sa kanila"- Julie Anne San Jose

Samantala, successful naman ang idinaos ni Julie Anne San Jose na pre-birthday birthday concert niya last May 16 via Facebook.

Pina-trend pa ng fans niya sa sa Twitter ang #JamWithJulie.

Sinabi ng singer/actress sa entertainment press na gusto niya na siya ang magbigay ng munting regalo sa kanyang mga fan, kaya naisip niya gawin ang online concert.

Paliwanag niya, "I'm just very happy and hopeful na sana matapos na lahat na ito siyempre kapag birthday usually nagse-celebrate tayo sa labas or minsan may surprise birthday celebration with the fans.

"It's kinda a new feeling din for me, kasi parang I get to spend more time with my family.

"And, siyempre, masaya din kasi like in my own little way I want to keep everyone updated and entertained na okay like for my birthday gusto ko ito ang gawin ko.

"Imbes na ako 'yung bigyan ng gift, gusto ko ako 'yung may gift sa kanila."

Julie Anne San Jose belts out the memorable songs from 'My Guitar Princess'