TV

Good vibes ang hatid ng 'Pepito Manaloto' sa Sabado Star Power sa gabi

By Aedrianne Acar

Umulan man o umaraw, tuloy ang hatid na tawanan at good vibes nina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento sa nagniningning na Sabado Star Power sa gabi.

Kaya kahit stuck at home tayo sa weekend with the whole family, piliin na manood ng kuwento ng Manaloto fambam na magtuturo sa atin ng mabubuting aral.

Choose to stay at home and be safe, mga Kapuso! Mag-relax habang nanonood ng award-winning Kapuso sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento sa July 18, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.