TV

Maureen Larrazabal, sinabing conscious ang 'Pepito Manaloto' sa pag-portray ng LGBTQIA+ characters

By Aedrianne Acar

Mainam na platform ang multi-awarded sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento upang ikuwento ang realidad at tunay na buhay ng LGBTQIA+ community sa Pilipinas.

Makailang beses nang ipinalabas sa flagship comedy program ng Kapuso network ang mga kuwento na sumesentro sa mga buhay ng gay, bisexual, lesbian at transgender characters.

Screenshot taken from Maureen Larrazabal Instagram account

Sa ekslusibong panayam ng GMANetwork.com sa isa sa cast member ng show na si Maureen Larrazabal--na gumaganap bilang si Mara--sinabi nito na kung gaano kahalagang ibahagi ang kuwento ng LGBTQIA+ community sa panahon ngayon.

Si Mara ang transgender beauty na girlfriend ni Tommy na pino-portray naman ni Direk Ronnie Henares.

Panimula ni Maureen, “Nag-i-inject kami ng realidad sa show, which is I think [it's] very important sa panahon ngayon.”

Hangad daw ng kanilang sitcom na maging “boses” sa mga tao.

Wika niya, “Some people are very conservative, tanggap naman namin 'yun, and they also have the choice if they don't want to watch the show.

“Pero what's good with Pepito Manaloto is hina-handle namin and tina-tackle namin 'yung realidad ng buhay, nagbibigay kami ng boses sa mga taong hindi kayang magsalita and to fight on their own.

“And to explain themselves, especially the LGBT community, 'yun nga kasi 'yun 'yung character ko [Mara].”

Dagdag ng sexy comedienne, maganda ang ginagawa ng Pepito Manaloto sa pag-tackle ng mga mabibigat o sensitibong topic para ma-enlighten ang mga tao.

“We unmask people, because some people do not admit kung ano sila, simple because they are afraid na ma-discriminate sila or i-condemn sila ng society. It's very very important for Pepito Manaloto na we not only give mga aral but also enlighten the people who are watching.

“Kasi, when you are watching a very light and comedy show, tapos mag-i-inject ng mga totoong nangyayari sa buhay, 'yung ibang tao mas kaya nilang i-absorb and they accept. Kesa 'yung hindi na lang siya pag-uusapan.”

Hangad din daw ng kanilang show na ipakita ang iba pang side ng mga LGBTQIA+ na malayo sa cookie-cutter role na madalas na napapanood sa telebisyon.

Tulad ni Mara at ang katrabaho nito sa PM Mineral Water na si Vincent (Tony Lopena) na gay, at ang bisexual friend ni Chito Manaloto (Jake Vargas) na si Roxy (Mikoy Morales), mga professional at mahuhusay sila sa kani-kanilang chosen fields.

Pagbibida ng Kapuso actress, “Hindi sila 'happy-go-lucky lang.' Most of the people na I know who are gays ay mas masipag, mas may responsibilidad because they want to prove themselves to the people.

“Since, masyado silang nai-stereotype, so ang pinapakita ng Pepito Manaloto 'yung totoong nakikita namin, like sa set, majority of the people who are working with us on the set kung hindi tranny, gay, bi, lesbian, and sobrang nag-e-excel sila!”

Dagdag niya, “They excel in their profession. Hindi 'yun nakikita ng mga tao, because majority nga of the people na nanonood ang gusto nila funny lang, wala lang, pinagtatawanan lang ganun.

“Ang Pepito siyempre gusto namin tunay na buhay, kaya nga tunay na buhay 'yung lagi naming sinasabi. 'Yung totoong personalidad, totoong buhay ng mga tao.”

Maureen Larrazabal, makakasama nina Boobay at Tekla sa bagong episode ng 'TBATS'

EXCLUSIVE: Maureen Larrazabal, inilahad ang naranasang pagsubok nang mag-positibo sa COVID-19