TV

WATCH: Misis ni Michael V., may cameo role sa 'Pepito Manaloto'

By Aedrianne Acar

Mas lalong naging makatotohanan ang mga eksena sa award-winning Kapuso sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento last Saturday night, September 12.

Sa isang bahagi ng episode, humihingi ng payo si Elsa (Manilyn Reynes) tungkol sa mga sintomas na ipinapakita ng mister na si Pepito (Michael V.).

Ang big surprise dito, nagkaroon ng cameo role ang misis mismo ni Direk Bitoy na si Carol Bunagan na siyang nagbigay ng advice kay Elsa.

Screenshot taken from Pepito Manaloto episode last September 12

Matatandaan na dumaan sa matinding pagsubok ang pamilya ni Carol nang tamaan ng COVID-19 ang kanyang asawa.

Bukod sa pagiging manager ni Bitoy, si Carol Bunagan din ang executive producer ng production company nila na Mic Test Entertainment.

Kung nabitin kayo sa episode ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, heto ang ilan pang eksena sa multi-awarded sitcom:

Related content:

Quarantine life ng 'Pepito Manaloto' stars

Manilyn Reynes at Arthur Solinap, sumabak na sa taping para sa 'Pepito Manaloto'