TV

Birthday celebration ni Patrick!

By Aedrianne Acar

Aba ang kaibigan ng bida nating milyonaryo na si Pepito (Michael V.) na si Patrick (John Feir), magse-celebrate ng kanyang birthday, soon!

Ang problema, lahat ng kakilala niya ay binabati siya ng advance happy birthday.

May makaalala kaya sa tunay na araw ng kanyang kaarawan?

Ano-ano ang mangyayari sa episode ng 'Pepito Manaloto' this week? / Source: Pepito Manaloto program and John Feir's Instagram account

At itong barkada ni Chito (Jake Vargas), mukhang sasabit pa sa curfew matapos masiraan ng sasakyan.

Maihatid kaya nila si Hazel Anne (Janine Gutierrez) o diretso silang lahat sa kulungan sa paglabag ng curfew?

Sasakit ang tiyan n'yo sa tawanan hatid ng Pepito Manaloto Kuwento Kuwento sa bago nitong timeslot, 6:15 PM, tuwing Sabado, pagkatapos ng 24 Oras Weekend at bago ang all-original musical competition sa GMA-7 na The Clash.