
Hindi biro ang mahigit na isang dekada na pagsasamahang nabuo ng original cast ng award-winning sitcom na Pepito Manaloto--- kaya sa panayam sa lead stars nito na sina Michael V. at Manilyn Reynes aminado ang dalawa na nakaramdam sila ng separation anxiety nang inanunsyo ang season break ng show.
Ipinalabas ang season ender ng comedy series noong May 29.
Sa one-on-one chikahan nina Bitoy at Manilyn kay Nelson Canlas sa idinaos na virtual media conference noong July 14 para sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, nagbahagi ang dalawa nang saloobin ng buong cast.
Ayon kay Manilyn, ang desisyon na magkaroon ng season break ay pinakamainam para sa lahat.
Paliwanag ng actress-singer, “Sabi nga namin kahit nung nagwo-work from home kami, siyempre pinag-uusapan namin nagme-meet kami sa Zoom nun, 'sana nga ganito together uli tayo. You know magkakatabi-tabi uli.”
“Pero sabi nga namin, sige behave muna tayo, kung ano 'yung puwede gawin para maka-iwas din sa pagkalat ng pandemya nga ganun.
“So ito na, I think ito na nga 'yun sabi nga ni Bitoy, this is the best thing to do sa ngayon.”
Sumang-ayon naman si Direk Bitoy na sa sitwasyon ngayon na may COVID-19 pandemic, mas dapat priority ang kalusugan at proteksyon ng lahat.
Aniya, “Nung palang ginawa 'yung Pepito Manaloto Kuwento Kuwento, 'yung kailangan ko mag-work from home, other people will have to shoot from home as well--- ramdam na ramdam mo 'yung pagkaka-miss nung bawat isa.”
Dagdag niya, “I mean parang lahat nga kami willing 'yung gusto uli namin magtrabaho sama-sama sana, kaya lang talaga hindi puwede and siyempre, no one wants to take responsibility for anything wrong that could happen.
“Hindi talaga pumuwede kaya ito na lang 'yung paraan na nakikita namin na pinakamaganda.”
Bago ang grand premiere ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento mamayang gabi, tara at balikan natin ang ilan sa favorite throwback photos ng original cast ng show sa gallery below.
Related content:
LIST: 7 reasons to watch 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento'
Michael V., tinutukan ang pilot episode ng 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento'
Netizens heap praises on Sef Cadayona and Mikee Quintos for bagging Pepito and Elsa roles