GMA Logo michael v on pepito manaloto
What's on TV

Michael V., tinutukan ang pilot episode ng 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento'

By Aedrianne Acar
Published July 16, 2021 11:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Is Chavit Singson considering to buy Miss Universe Organization? 
27 couples wed in Jaen civil wedding
BTS's pop-up store is coming back to Manila this December

Article Inside Page


Showbiz News

michael v on pepito manaloto


Bukod sa pagiging bida sa multi-awarded sitcom, tumatayo ring creative director ng 'Pepito Manaloto' si Michael V.

Aminado si Michael V. na may pagka-obsessive-compulsive siya sa bawat aspeto ng hit sitcom na Pepito Manaloto.

Sa grand premiere ng prequel nitong Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento bukas, July 17, sinisigurado ni Bitoy, na siya ring creative director ng sitcom, na pulido ang lahat.

Pepito Manaloto

The cast Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento during its virtual media conference

Sa media conference ng programa noong Miyerkules, July 14, inamin ng comedy-director kung gaano siya kabusisi at naiintindihan daw ito ng buong staff ng show.

Paliwanag ni Direk Bitoy, “Pati dun sa editing, especially dahil pilot, medyo ano ako diyan, partikular.

"So, hindi ako nahihiya na kapalan ng mukha ko na makialam and naiintindihan naman nila.

"Kasi, lagi ko sinasabi na bottomline, I just want a good show, not just for ourselves kundi for the audience most especially.”

Samantala, ibinahagi naman niya sa GMANetwork.com ang mga naging konsiderasyon sa pagpili ng mga artistang gaganap sa prequel.

Ani Michael V., “Importante sa amin looks and personality. 'Yung hitsura nila dapat similar sa amin nung kabataan namin ayun 'yung unang-una.”

Hirit pa niya sa pagganap ni Kokoy de Santos bilang batang Patrick, “Maraming nagsasabi bakit ganun hitsura ni Patrick parang nung bata siya pogi siya, pero nung tumanda ano nangyari sa kanya [laughs].”

Dagdag niya, “'Pag tiningnan n'yo 'yung throwback photos ni John Feir na hindi n'yo maikakaila 'yung similarities. Kasi, talagang kadating!”

Pero nilinaw din ni Direk Bitoy na ang final decision kung sinu-sino ang mapapabilang sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento ay nanggaling pa rin sa management.

Wika niya, “Isa ako sa mga nagsu-suggest ng kung sino ang ilalagay, sino posible.

“And they tried them out, pinag-audition nila and network ang nagdecide.

"I left the decision with the network kasi may mga considerations din like yang pinag-uusapan kanina mga love team-love team at saka 'yung feasibility at saka 'yung availability nung mga artista, so mas alam ng network 'yun, e.

“And I really have very little knowledge, but as much as I can contribute kung sino 'yung puwede, 'yun na lang ginawa ko.”

Kilalanin ang comedy genius na si Michael V. sa gallery na ito.

Related content:

LIST: 7 reasons to watch 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento'

Sef Cadayona, Mikee Quintos, hindi nagpapadala sa pressure na maging bida sa 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento'