TV

May bagong friend si Tommy?

By Aedrianne Acar

Kinaaliwan ng mga netizens ang viral meme ngayon ng karakter ni Ronnie Henares sa Pepito Manaloto na si Tommy.

Nakilala ng televiewers si Tommy sa hit Kapuso sitcom na numero uno mahilig mangutang sa bida nating milyonaryo na si Pepito (Michael V.).

Kaya naman patok ang ginawang meme ng netizen na si @thatConfusedTrader tungkol kay Tommy na mukhang kukubra ng balato sa first Pinay Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz.

Bumuhos ang cash rewards at perks mula sa iba't ibang organization at kumpanya para kay Hidilyn matapos ang historic win niya sa 2020 Tokyo Olympics.

Marami pa rin ang hindi maka-get over sa trending grand premiere ng prequel ng Pepito Manaloto, kung saan unti-unting nakilala ng fans sina teenage Pepito at Elsa na ginagampanan nina Sef Cadayona at Mikee Quintos.

Sa katunayan nasa top trending videos ng YouTube Philippines ang pilot episode ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento na may mahigit sa 760,000 views na as of writing.

Tuloy-tuloy lang tawanan umulan o umaraw sa paborito ninyong sitcom tuwing Sabado ng gabi, Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.