TV

Arthur Solinap, tuwang-tuwang makatapak muli sa Manaloto mansion!

By Aedrianne Acar

“Shopping-shopping”

Isa lamang 'yan sa hindi na mabilang na popular lines ng karakter ni Arthur Solinap sa Pepito Manaloto na si Robert.

Sa mahigit na isang dekada, napamahal na sa manonood ang family driver nina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes).

Kaya hindi nakapagtataka ang excitement ni Arthur nang magbalik sa taping ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.

Sa Facebook post ng actor-comedian, ipinasilip niya ang ilan sa highlights ng naging shoot nila sa Manaloto mansion.

Hirit ng Kapuso actor, “Na miss ko mag Robert! Happy to see you all! Nakaka-miss ang Mansion! Soon kumpleto na tayo #BTS #PepitoManaloto taping.”

Bakit nagbalik sa mansion si Robert?

Alamin soon, mga Kapuso!

Tara at balikan natin ang ilan sa memorable throwback photos ng Manaloto family sa gallery na ito.