TV

Pepito Manaloto: Gladys Reyes, napa-hula hoop sa pagbirit ng 'Almost Over You'

By Aedrianne Acar

Certified wow ang duet nina Gladys Reyes at Pokwang habang naka-break sila sa taping ng high-rating Saturday sitcom na Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.

Kitang-kita na todo sa pagbirit ang dalawa ng kanta ni Sheena Easton na “Almost Over You.”

Kahit ang co-star nila na si Archie Alemania na gumaganap na Mang Beny, napakanta rin sa BTS video na inupload ni Gladys sa Instagram.

A post shared by Gladys Reyes-Sommereux (@iamgladysreyes)

Komento tuloy ng original Elsa na si Manilyn Reynes sa performance nina Aling Tarsing at Nanay Rosa,“Ay ang saya, Nay Rosa, Aling Tarsing at Tay Benny!!!”

Reply naman ni Gladys, “Elsa! Sana naka-trio ka namin, tayo ang bagong triplets.”

Ang Triplets na tinutukoy ng versatile actress ang grupo ni Manilyn kasama sina Tina Paner at Sheryl Cruz.

Kung gusto n'yo ng mas nakaka-good vibes na moment with Tarsing at Rosa, tumutok sa second season ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento tuwing Sabado ng gabi, 6:15 p.m. pagkatapos ng 24 Oras.

More behind-the-scenes photos of Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento here!