TV

Mikee Quintos, mas nahasa ang comedic timing sa 'Pepito Manaloto'

By Aedrianne Acar

Makikita sa mukha ng Sparkle actress-singer na si Mikee Quintos na marami itong natutunan sa pagganap niya bilang young Elsa sa high-rating comedy program na Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.

Sa nalalapit na pagtatapos ng current season ng show, ibinahagi ni Mikee sa GMANetwork.com ang mga natutunan niya sa kanyang first sitcom.

Pagbibida nito na mas lalo nahasa ng programa ang kanyang comedic timing.

Paliwanag ni Mikee, “Siguro mas na-hone 'yung timing kasi sa comedy naman, 'yun ang pinaka-importante kung mapapansin n'yo- timing, e.

“And I learned throughout the experience na 'yung biggest question ko bago mag-simula 'yung show was paano... Kahit si Sef [Cadayona] tinatanong ko, 'So paano 'yung mga iyak, iiyak ka talaga?'

Ginaganun ko sila like, ano 'yung atake n'yo doon? Totoong drama, masakit ba or pa-joke na iyak? Ganun ba 'pag comedy, hindi ko alam, hindi ko maintindihan noong una. Pero I realized, kasi trinay ko, okay, i-balance, pero it doesn't feel right.”

Marami rin daw siyang natutunan sa pago-observe sa co-stars niya sa Pepito Manaloto lalo na sa award-winning comedienne na si Pokwang.

Pagbabalik-tanaw ng Kapuso actress, “So, pinanood ko si Mamang [Pokwang]... nakita ko si Mamang mag-trabaho 'yung mga iyak ng character niya dina-drama talaga niya, e, di ginaya ko [laughs]. 'Yung mga ganung small things nakikita ko mas may epekto rin, mas natatawa 'yung mga tao, kapag 'yung viewers nakaka-relate rin dun sa side mo na kaya mo maging drama.”

Dagdag niya, “Ganun naman talaga in real life, di ba? It's a mix of drama, comedy, well hopefully, sana walang thriller at horror. 'Andun pa 'yung rom-com sa mga sinusuwerte, so yeah, it's just like being in real life. It is still being truthful, so even the drama parts, about comedy, I realized kailangan mo damdamin.

“Isa 'yun sa mga kinailangan ko i-practice [at] i-hone, kasi 'yung mga kaharap mo sa eksena yang sila Sef, sila Kokoy paano ka iiyak, 'di ba? Paano ka talaga iiyak, pero challenge accepted 'yun na nag-enjoy naman ako trabahuhin 'yun and they've been really supportive.”

Tutukan ang mga exciting na mangyayari sa number TV sitcom sa Pilipinas, ang Pepito Manaloto tuwing Sabado ng gabi, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.