TV

Manilyn Reynes thanks Bitoy for 'That's Entertainment' reunion via 'Pepito Manaloto'


Nagsimula bilang child star noong 1980s ang aktres na si Manilyn Reynes. Nang siya ay magdalaga, napasama siya sa musical-oriented show na That's Entertainment at naging miyembro siya ng Tuesday group.

Naging parte rin siya ng grupong "The Triplets" with fellow Regal babies Sheryl Cruz and Tina Paner.

Malapit sa isa't isa sina Manilyn, Sheryl at Tina, kaya naman very thankful si Manilyn nang maisipan ni Michael V. na ipasok ang kanyang mga kaibigan sa ilang episodes ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.

"Naku, nakakatawa nga. Ang ginawa talaga ni Bitoy, since siya naman ang creative head, at alam naman niya na magkaibigan talaga kami, ang ginawa niya roon sa episode ay isang reunion talaga," excited na pahayag ni Manilyn.

Tuwang-tuwa raw siya dahil sa show na ito sila muling umarte nang magkakasama pagkatapos ng mahabang panahon. Puro pagkanta kasi ang ginagawa sila sa ibang TV guestings.

Nagkasama silang tatlo sa isang episode ng Pepito Manaloto na dumalo sa kanilang high school reunion ang mag-asawang Pepito at Elsa. Gumanap si Tina Paner bilang ex-girlfriend ni Pepito na si Rose, habang si Sheryl Cruz naman ay si Maricel, isa rin sa mga kaklase nila na yumaman sa ilegal na paraan. Ang isa pa nilang kasabayan sa That's Entertainment na si Isabel Granada ay gumanap din bilang si Lilibeth, ang girlfriend ni Patrick (John Feir).

"It was such a fun experience. Kay Bitoy naman, thankful din kami na ganun ang treatment na ginawa niya, at sa writers, na ginawa talaga nilang mini-reunion. Talagang nag-rent pa kami ng malaking lugar at kumain-kain kami roon. It was really like a reunion."

Catch Manilyn Reynes as Elsa Manaloto sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, Sunday nights after Kap's Amazing Stories.

-- Text by Michelle Caligan, Photo by Meryl Ligunas, GMANetwork.com