TV

Pepito Manaloto: Take your pick!

By Aedrianne Acar

Kay bilis nga ng panahon at para sa mag-asawang Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes), may dalaga na silang anak!

Sa episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento nitong Sabado, hot topic sa mansyon ang bagong crush ni Clarissa (Angel Satsumi).

Tinitibok ba ng puso ng dalaga ang prankster at basketball jock na si Jacob (John Clifford) o ang mestizo cutie na si Edward (James Graham)?

Oh, wait! Baka mas type ni Clarissa ang exotic looking tulad ni Prince?

Handa na ba ang Manaloto couple na makilala ang crush ng kanilang unica hija?

Balikan ang mga tinutukan eksena sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento last April 29 sa video below.

Mystery crush ni Clarissa

Heto pa ang ilang highlights ng high-rating Kapuso sitcom na masarap ulit-ulitin.

Pechay ni Tere, sariwa at maganda!

Pepito, hindi happy sa birthday?

Let the party games begin!

First kiss ni Clarissa!

For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.

Puwede n'yo rin balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento by visiting this SHOWPAGE.

At kung wala naman kayo sa inyong mga bahay, mapapanood n'yo pa rin ang hatid na tawanan ng Manaloto family via livestreaming tuwing Sabado ng gabi.