TV

Radson Flores, maghahatid ng good vibes sa 'Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento'

By Aedrianne Acar

Umuwi nang maaga ngayong Sabado ng gabi dahil maghahatid ng good vibes ang Sparkle heartthrob na si Radson Flores sa atin this Saturday night!

Tampok ang promising Kapuso actor sa hit comedy show na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento kung saan ipapakita niya ang galing niya sa pagpapatawa!

This January 20, bibida sina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) sa isang vlogumentary ni Roxy (Mikoy Morales) na “Yaman Yarn.” Pero sa halip na maipakita ang glamorous life ng mag-asawang Manaloto, tila nahuhuli sila ni Roxy sa mga awkward situation na hindi akma sa ginagawa niyang documentary for the rich and famous.

Ano kaya ang kalalabasan ng content na ito ni Roxy?

At itong si Vincent (Tony Lopena), may dini-date na bagong boylet na si Ricky. Mukha naman sincere at maalaga si Ricky sa beki employee ni Pitoy, pero ayaw na ni Vincent na magseryoso at baka mauwi lang uli sa wala.

Paano kaya magre-react si Vincent kapag nakita niya si Ricky na may kausap na ibang guy?

Magselos kaya ang BFF ni Mara (Maureen Larrazabal)?

All-out ang happiness na handog ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong January 20, pagkatapos ng premiere Jose & Maria's Bonggang Villa 2.0.

TINGNAN ANG POGI PHOTOS NG 'VOLTES V: LEGACY' STAR NA SI RADSON FLORES: