TV

Pepito Manaloto: Modeling era nina Pepito at Elsa

By Aedrianne Acar

Think big ang mantra ng Manaloto fambam this 2024 at ang mag-asawang Pepito (Michael V.) ay mukhang may maa-unlock na new career.

Gustong kuhanin bilang model ang mag-asawang Manaloto ng isang sikat na atelier ng Filipiniana outfits na si Frankie Mata.

Kung si Pitoy ay todo practice na ng kaniyang signature model walk, si Elsa naman ay may agam-agam sa papasukin nila ng kaniyang asawa.

PEPITO MANALOTO THROWBACK PHOTOS:

May dapat bang ipag-alala si Elsa o ito na ang new era nila ni Pepito bilang fashion models?

Salubungin ang 2024 na may ngiti at puno ng good vibes! Kaya nood na ng episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa oras na 7:00 p.m. ngayong January 6 pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.