
Ang tatay ni Pepito (Michael V.), mukhang may love problem ngayong Sabado.
Ramdam ang lungkot ni Mang Benny (Bembol Roco) dahil 'tila magulo ang “situationship” nila ng nanay ni Patrick (John Feir) na si Nanay Rosa (Dexter Doria).
Mas magiging komplikado ang lahat dahil itong si Nanay Rosa ay may makikilalang lalaki na ang pangalan ay si Ramon.
PEPITO MANALOTO THROWBACK PHOTOS:
Matulungan kaya ni Pitoy si Mang Benny sa pagseselos nito sa bagong “companion” ni Nanay Rosa?
Walang patid ang tawanan at makabuluhang aral sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa oras na 7:00 pm ngayong January 13 pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.