
Palong-palo ang suporta ng audience sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento dahil sa mataas na TV ratings na nakuha nitong Sabado ng gabi.
Nakapagtala ang flagship comedy show ng 9.5 percent TV ratings last August 10 base sa datos ng NUTAM People Rating na mas mataas sa katapat nitong programa.
Nabigla si Tommy Diones (Ronnie Henares) dahil inatake sa puso ang kaniyang ina.
Sa ospital sinabi ng Mama Nora niya na may mamanahin siya kahit certified "black sheep" siya ng kanilang pamilya.
Ayon dito, makukuha lang ng anak niya ang isang milyong piso na mana niya kung ibibigay niya sa charity ang isa pang one million pesos para maturuan si Tommy na tumulong sa mga tao higit na ngangailangan.
Magawa kaya ng manggagantso na si Tommy na tumulong sa charity o makakaisip ito ng paraan para malusutan ang kundisyon ng kaniyang nanay?
Balikan ang episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento na ipinalabas noong Sabado ng gabi sa video below!
Tommy, mamimigay ng isang milyon!
MORE FUNNY SCENES SA PEPITO MANALOTO:
Mga Manaloto, inilabas ang Indian moves!
Robert, pamintang durog daw?!
Pitoy, ayaw sumayaw pero todo hataw!
Pitoy, init-lamig ang ulo!
Spotted - Lolang kaskaerang e-bike driver!
Pitoy, ayaw sumayaw pero todo hataw!
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit www.gmapinoytv.com
Puwede n'yo rin balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom by visiting this SHOWPAGE.