
Magugulat ang PM Mineral Water team ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong Sabado ng gabi.
Ito kasing si Tere (Cherry Malvar) ay "single no more" dahil magiging boyfriend na n'ya ang security guard na si Gabo.
Pero, mauudlot pa yata ang lovelife ni Tere nang madiskubre niya na isa na pala siyang misis!
Ano 'tong shocking information na nakita ng empleyado ni Pepito (Michael V.) nang magrequest siya ng CENOMAR (Certificate for No Marriage)?
Maging dahilan kaya ito para iwanan siya ni Gabo?
Sundan ang mangyayari sa buhay ni Tere sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa oras na 7:15 p.m. ngayong March 8, 2025, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.
RELATED CONTENT: BEST MOMENTS WITH THE CAST OF PEPITO MANALOTO