
Todo ang love na ibinibigay ng mga manonood sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento nitong weekend dahil sa mataas na TV ratings na nakuha nito.
Nakamit ng flagship comedy show ang 8.0 percent TV rating last May 17 base sa datos na nakalap ng NUTAM People Rating.
Bumaliktad ang mundo nina Tommy (Ronnie Henares) at Pepito (Michael V.) nitong Sabado ng gabi.
Kung si Tommy mahilig mangutang, tila nag-iba ang ihip ng hangin at itong si Pitoy naman ang sunod-sunod na umuutang sa boyfriend ni Mara (Maureen Larrazabal).
Bakit kaya biglang nag-enter sa mangungutang era ang mister ni Elsa (Manilyn Reynes)?
Meet Tommy, my friend!
Pepito, nangungutang na kay Tommy?!
Balikan ang LOL moment na ito sa Pepito Manaloto sa video below!
Tommy, bumabalik sa dating gawi?!
Balikan ang masasayang moments kasama ang Manaloto fambam sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento na ipinalabas noong Sabado ng gabi sa video below!
Pepito, na-miss ang siopao ng dating crush!
Malalang siopao cravings ni Pepito
Manggogoyo noon, security guard na ngayon!
For Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV. For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.
Puwede n'yo ring balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom by visiting this SHOWPAGE.