GMA Logo Pepito at Patrick
What's on TV

Pepito at Patrick, busted sa pagnanakaw?

By Aedrianne Acar
Published August 7, 2026 9:00 AM PHT
Updated August 8, 2026 10:25 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Reports: Enes Kanter Freedom, Royce White not eligible for WNBA
P9M spent yet health center in Cebu City sits idle due to permit issue
IN PHOTOS: Gabbi Garcia explores Lijiang, China in style

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito at Patrick


Balik Caniogan High School sina Pepito (Michael V.) at Patrick (John Feir) ngayong Sabado ng gabi!

Mapapasok sa isang posibleng gulo ang magkaibigan na sina Pepito (Michael V.) at Patrick (John Feir) sa episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong Sabado ng gabi.

Magbabalik ang dalawa sa Caniogan High School dahil bubuksan na ang pinatayong building ni Pitoy sa dati niyang eskuwelahan.

Ang problema, may ginawang bust ang sculptor na si Josel de Jesus na ilalagay sa loob ng paaralan in honor of Pitoy. Pero ang sculpture ay hindi kamukha ng mister ni Elsa (Manilyn Reynes).

Ayon pa sa ating bidang milyonaryo, baka sa sobrang pangit nito, pagtawanan ng mga estudyante ang kaniyang rebulto.

Kaya sina Pepito at Patrick, planong pasukin ang Caniogan High School sa gabi para nakawin ito!

Magtagumpay kaya ang mag-BFF sa kanilang plano?

Tutukan ang all-new episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong August 8 sa oras na 7:15 p.m., pagkatapos ng The People Have Spoken.

RELATED CONTENT: Throwback: Off-cam bonding ng Pepito Manaloto actors