TV

Netizens, tuwang-tuwa sa pagbabalik ng OG cast ng 'Pepito Manaloto'

By Aedrianne Acar

Tinutukan ng loyal fans ng multi-awarded Kapuso sitcom na Pepito Manaloto ang world premiere nito kagabi, June 11.

Dito nalaman ng avid viewers kung bakit tumira pansamantala ang pamilya nina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) sa probinsya kasama ang kanilang anak na sina Chito (Jake Vargas) at Clarissa (Angel Satsumi).

Sa Twitter, marami ang nag-post na sobra nilang na-miss ang original cast ng comedy show.

Tweet ni @JaredRam55, “Iba pa rin pag OG cast.”

Sabi naman ni @eenyminiminymoe, “A family that laughs together, stays together talagaaaaa! So happy na nasa book 3 na yung Pepito Manaloto. Tuloy-tuloy pa rin aming ang dose of laughters huhu. Tenchuu talaga.”

Nag-Tweet din si @JuanCharaught na, “WELCOME BACK TEAM PEPITO! We really missed you!”

Hindi naman nakalimutan ng lead star ng Pepito Manaloto na si Manilyn Reynes na magpasalamat sa lahat ng sumubaybay ng kanilang pilot episode.

Sa pagtatapos ng episode, may iniwan naman ng mensahe sina Mr. and Mrs. Manaloto na kapupulutan ng aral.

Pahayag ni Elsa, “Kahit saan tayo makarating at kahit ano pa ang pagdaanan natin. Basta sama-sama ang pamilya, puwede tayo maging saya.”

Sinegundahan naman ito ni Pitoy at sinabing, “At kahit ano pa nadaanan natin na hindi maganda, mero'n naman tayo natutunan. At sa lahat ng biyahe natin sa buhay 'yun naman ang mahalaga.”

Sama-sama uli tayo manood ng episode next Saturday ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.