TV

Pepito Manaloto: Celebrating the life of Mr. Nieto

By Aedrianne Acar

Nakaka-antig ang episode natin ngayong Sabado sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.

May sad news na natanggap ang bida milyonaryo na si Pepito (Michael V.) dahil nalaman nitong ang favorite client niya na si Mr. Nieto ay may taning na ang buhay.

Dahil dito, naisipan niya na mag-organize ng isang party para sa kaniya sa tulong ng mga empleyado niya sa PM Mineral Water.

Mabigyan kaya niya ng memorable celebration si Mr. Nieto sa nalalabing araw niya sa mundo?

Mas sulit ang pahinga ngayong long weekend kapag nanood ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, bukas ng gabi, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com

Puwede n'yo rin balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom by visiting this SHOWPAGE.

TINGNAN ANG ICONIC TRAITS NG PABORITO N'YO NA PEPITO MANALOTO CHARACTERS: