GMA Logo Pepito Manaloto episode
What's on TV

Pepito Manaloto: Sino ang magnanakaw?

By Aedrianne Acar
Published January 26, 2023 3:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOTr: 3 more EDSA Busway stations in 2026
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto episode


Mapapasigaw rin kayo tulad ni Patrick (John Feir) sa nangyari sa PM Mineral Water! Heto ang pasilip sa upcoming episode ng 'Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento' ngayong January 28.

May problemang haharapin ang bida milyonaryo na si Pepito (Michael V.) sa kaniyang kumpanya sa episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong Sabado ng gabi.

Tila ang mga empleyado ni Pitoy ay gipit sa pera, kahit ang kaibigan niya na si Patrick (John Feir) hina-hunting ng online lending company para sa mga inutang niya noong holiday.

Pepito Manaloto

May paluwagan sa PM Mineral Water at si Robert (Arthur Solinap) ang nakatakdang tatanggap na ng kaniyang share.

Dahil mukhang ready na mangutang ang lahat sa family driver ni Pitoy, inutusan ni Janice (Chariz Solomon) si Patrick na itago ang buong amount ng paluwagan.

'Yun nga lang, nagulat ang lahat nang napasigaw si Patrick at nawala raw ang pera sa pinagtaguan niyang lugar.

Sino sa mga empleyado sa PM Mineral Water ang kumuha?

Tama nga ba na pagbintangan si Tommy (Ronnie Henares) dahil napatunayan ang pagiging manggagantso nito.

Alamin kung sino ang tumangay sa paluwagan sa PM Mineral Water sa bagong episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento na mapapanood pagkatapos ng Amazing Earth, ngayong January 28 sa oras na 7:00 p.m..

TINGNAN ANG ILANG THROWBACK PHOTOS NG EPITO MANALOTO CAST: