TV

'Pepito Manaloto' cast, kinilig nang makasama si Bea Alonzo sa programa

By Aedrianne Acar

May bigating bisita ang Pamilya Manaloto!

Ito ay walang iba kung di ang multi-awarded TV and movie star Bea Alonzo, na may pasilip na sa guest appearance niya sa hit sitcom.

Sa Instagram post ni Bea, sinabi niya na “perfect timing” ang makaeksena ang comedy genius at creative director ng show na si Michael V..

Noong 2022, napanood na rin ang Kapuso actress sa isa pang flagship program ni Direk Bitoy, ang Bubble Gang.

Kuwento ni Bea sa pagkikita nila ni Michael V., “Nakilala ko na sa personal si Bitoy! When I guested onBubble Gang last year, I thought I would have the privilege to do a skit with him, pero hindi pala, dahil ngayon pala ang perfect time para dun.”

Dagdag niya, “I did a guesting on Pepito Manaloto [a 12-year-old show! wow!] at kinilig ako, dahil nakagawa na ako ng eksena with the iconic Michael V.! I remember growing up, pinanonood ko ang mga parodies nya at pagtatagalog ng western songs! At naalala nyo ba si Yaya at Angelina? #Batang90s What's your favorite Michael V. skit?”

Kahit ang ibang cast ng show na si John Feir, na gumaganap na Patrick; at si Janna Dominguez, na pino-portray ang role bilang kasambahay na si Maria, ay kinilig nang makapagpa-picture kay Bea Alonzo.

Samantala, noong January, sunud-sunod na award ang natanggap ng Pepito Manaloto.

Kinilala ang comedy program bilang Best Comedy Show sa 35th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Television.

Iginawad din sa Pepito Manaloto ang Most Outstanding Comedy Show recognition sa 5th Gawad Lasallianeta.

TINGNAN ANG THROWBACK PHOTOS NG PEPITO MANALOTO CAST DITO: