TV

Pepito Manaloto: Pepito, na-stress sa bago niyang landlord

By Aedrianne Acar

Masusubukan ang pasensya ni Pepito (Michael V.) my friend sa new episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong March 11.

Pupunta si Tommy (Ronnie Henares) sa PM Mineral Water para ibalita kay Pitoy na siya ang landlord ng property.

Ang hindi alam ng asawa ni Elsa (Manilyn Reynes), may utang ang orihinal na may-ari ng office space ng PM Mineral Water na si Mr. Tierra kay Tommy.

At para makabayad ito, hahayaan niya si Tommy na sumingil ng renta kay Pits.

Pero may plano ang manlolokong BF ni Mara (Maureen Larrazabal) na taasan ang renta ng kumpanya ng mga Manaloto.

Pumayag kaya si Pepito sa gusto ni Tommy kahit napag-usapan na nila ni Mr. Tierra na hindi babaguhin ang upa?

Source: GMA Network and Pepito Manaloto social media pages

Create more good times with the family sa panonood ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, after Amazing Earth sa March 11 sa oras na 7:00 p.m.

Masaksihan n'yo na rin ang tawanan ng Pepito Manaloto sa Pinoy Hits sa Channel 6 na available sa GMA Affordabox at GMA Now.

HERE ARE THE FUNNY MEMES FEATURING TOMMY DIONES: