TV

Pepito Manaloto: Landlord na si Tommy, hina-harass ang kumpanya ni Pepito

By Aedrianne Acar

Basta pera, laging una diyan si Tommy (Ronnie Henares)!

Sandamakmak na stress ang inabot ni Pepito (Michael V.) sa episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento last March 11.

Nagulat ang ating bida milyonaryo nang biglang dumating ang mandurugas niyang kapitbahay para ibalita na siya ang may karapatan sa lease niya sa property kung saan nag-o-opisina ang PM Mineral Water.

Gusto ni Tommy na taasan ang renta ni Pepito kahit malapit na matapos ang kontrata ng pangungupahan nila.

Tumiklop kaya si Pepito sa pressure at harassment na gagawin ni Tommy?

Balikan ang mga tinutukang eksena sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento last March 11 sa video below.

Pepito, tiklop kay Boss Tommy

Heto pa ang ilang highlights ng high-rating Kapuso sitcom na masarap ulit-ulitin.

Ano ang lunch ng isang buraot?

When two business minded meets

Mahjong pangpawala ng high blood?!

Elsa, ingat ka kay lola!

For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.

Puwede n'yo rin balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom by visiting this SHOWPAGE.

At kung wala naman kayo sa inyong mga bahay, mapapanood n'yo pa rin ang hatid na tawanan ng Manaloto family via livestreaming tuwing Sabado ng gabi.