What's on TV

Bakit pinili ni Angel Satsumi na umalis muna ng bansa matapos tumama ang COVID-19 pandemic?

By Aedrianne Acar
Published June 7, 2022 4:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Janti Miller confident in San Beda’s championship form despite Game 2 suspension
'Shopaholic' series author Sophie Kinsella dies at 55
Bianca De Vera, na-pressure bilang leading lady nina Will Ashley at Dustin Yu?

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto Tuloy Ang Kuwento


Ibinahagi ni 'Pepito Manaloto' actress Angel Satsumi ang naging buhay niya the past two years matapos tumama ang COVID-19 pandemic sa bansa noong March 2020.

Wish granted para sa lahat ng loyal fans ng Pepito Manaloto ang pagbabalik ng original cast ng well-loved at award-winning sitcom ng Kapuso Network.

Simula June 11, tuloy ang makabuhuluhang kuwentuhan with Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) sa book three na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.

Ngayong Martes ng hapon (June 7), nakausap ng entertainment press ang cast sa kanilang online media conference kung saan ibinahagi nila ang kanilang saloobin tungkol sa new chapter na ito ng kanilang show.

At isa sa mga labis na na-miss ng viewers ang teen actress na si Angel Satsumi na gumaganap bilang Clarissa.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Angel, nagkuwento siya ng mga nangyari sa kaniya matapos tumama ang COVID-19 pandemic sa Pilipinas noong March 2020.

Saad niya, “Start ng COVID-19 nandito pa rin ako and then bandang October 2020 umuwi muna kami ng Japan, kasi naisip po namin parang doon po muna kami, kasi kung susundan po 'yung DOLE kasi hindi pa ako makakapag-taping until 2021 pa hanggang mag-sixteen parang ganun po.”

Pagpapatuloy ng former Kapuso child star, “So umuwi po muna kami doon para maghintay po, then doon na rin po kami nakapag-vaccine. And then habang nandoon po ako kami, nag-enjoy lang po, nakapag-aral din po ako doon, hanggang naka-uwi po kami noong April.”

Hindi naman maitago ng director ng Pepito Manaloto na si Michael V. ang labis na pagkasabik na muling makita ang co-star na si Angel na dalawang taon din nilang hindi nakasama.

Paglalahad ni Direk Michael sa GMANetwork.com, “Sa totoo lang si Angel, madalas namin kasama during the prayers for Direk Bert [de Leon] when he was in the hospital. I'm not gonna say, hindi namin na-miss 'no, pero 'yung presence niya palaging nando-doon.

“When we saw her finally, talagang tuwang-tuwa ako, dahil nayayakap na namin, nahahawakan na namin 'yung pisngi [laughs]. Yeah, we were a bit emotional seeing her, hindi lang kami umiyak. Pero na-miss talaga namin , tuwang-tuwa kami nung nakita namin siya.”

Nagbalik-tanaw naman ang lead actress ng sitcom na si Manilyn Reynes nang makita niya ang anak-anakan niya sa show sa premises ng GMA Network.

Kuwento ng award-winning comedienne, “Pero noong una kami nagkita ni Angel sa GMA, kasi magpapa-swab test kami. So sa labas pa lang, sabi ko 'Angel!!!'”

Samantala, may nakakatawang hirit naman ang Kapuso heartthrob na si Jake Vargas ng makita si Angel Satsumi na napalapit na rin ng husto sa kaniya.

Biro ni Jake, “Ang nasabi ko, 'Uy ang tangkad mo na sa akin'

“Parang isip-isp ko parang ikaw na magiging ate ko sa Pepito Manaloto. Pero na-miss ko rin naman talaga si Angel Satsumi, kasi na-miss ko 'yung kulit niyan, kasi siyempre baby pa lang talaga siya nun, three years old pa lang siya nasa Pepito na siya.

“And na-miss ko 'yung kulit niya and talagang magkapatid kami talaga po sa Pepito.”

Pepito Manaloto Tuloy Ang Kuwento

Thankful sa fans ng sitcom

Kahit dalawang taon hindi napanood sa Pepito Manaloto si Angel, nakakataba raw ng puso para sa kaniya na maraming nagco-comment online na gusto na uli siya mapanood sa flagship sitcom ng GMA-7.

Aniya, “Sobrang saya ko po, alam ko po kahit napapanood po 'yung mga original cast hinahanap pa rin po nila ako.

“Feeling happy po ako na hindi pa rin po nila ako nakakalimutan. Minsan po kasi naiisip ko nung two years na 'yun, 'Ah, baka nakalimutan na ako', 'yung parang ganun po.”

Pagpapatuloy niya, “Tapos pag may nakikita ako nagco-comments na hinahanap po ako, 'yun po sobrang happy ako.”

The whole gang is back, mga Kapuso!

Abangan at huwag papahuli sa LOL moments ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento this coming June 11, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.