GMA Logo Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento
What's on TV

Pepito Manaloto: Bakit nasa probinsya ang Manaloto family?

By Aedrianne Acar
Published June 9, 2022 5:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Katrina Halili revives Black Darna outfit on 40th birthday
Man nabbed for illegal possession, sale of snake in Tagum
NAIA Terminal 1 steps up game for migrant workers with upgraded OFW Lounge

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento


Kumusta na sina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes)? Alamin ang nangyari sa mag-asawa sa grand premiere ng 'Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento' this coming June 11.

Back to basic ang paborito nating Manaloto family habang nakatira sila sa isang farm house.

Mukhang trip naman ni Pepito (Michael V.) ang sariwang hangin sa farm at enjoy naman si Elsa (Manilyn Reynes) dahil abot kamay lang ang samu't saring gulay at prutas.

Kahit ang mga anak nila na sina Chito (Jake Vargas) at Clarissa (Angel Satsumi), mukhang adjusted na sa buhay nila malayo sa siyudad.

Ito na ba ang bagong buhay ng Manaloto fambam? Hindi na ba sila babalik sa maganda nilang mansyon?

Lalo na at feel at home ang mandurugas na si Tommy (Ronnie Henares) sa bahay ng mga Manaloto.

Kailan babalik sina Pepito at Elsa o dapat na bang tanggapin nina Baby at Maria na may bago na silang boss?

This is the comeback we've all been waiting for, mga Kapuso!

Walang aabsent sa grand premiere ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento directed by the one and only award-winning Kapuso star Michael V.

Tuloy ang adventure sa high-rating Kapuso sitcom, tuwing Sabado ng gabi, pagkatapos ng 24 Oras Weekend!