
Mabusog sa tawanan at masasayang punch lines sa Martes (August 24) sa piling nina Boobay at Boobsie Wonderland.
Magtatapat ang dalawang komedyante sa isang cook-off sa lifestyle at food review show na Pop Talk.
Kasing galing din kaya ng mga jokes nila ang cooking skills nina Boobay at Boobsie? Kaya ba nilang makagawa ng masarap na putahe gamit ang piling sangkap lamang?
Siyempre, pangungunahan ni Pop Talk host Tonipet Gaba ang judging kung alin sa dalawang inihandang putahe ang tatanghaling cook-off winner.
Bukod diyan ay makikigulo rin sina Boobay at Boobsie sa food review segment kasama si Tonipet.
Kaya nood na ng Pop Talk ngayong Martes, 6 p.m., sa GTV para sa nakabubusog at nakatatawang gabi.
Panoorin ang trailer dito:
Samantala, tingnan ang ilan sa mga bonggang outfits ni Boobay sa gallery na ito.