TV

READ: Aiko Melendez praises 'Prima Donnas' stars Jillian Ward, Althea Ablan, and Sofia Pablo: 'They are going to make their own identity'

By Aaron Brennt Eusebio

Hindi maiwasan na maikumpara ang lead stars ng Prima Donnas na sina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo sa ibang mga artista na naging tween stars din.

Aiko Melendez


Ngunit paglilinaw ng co-star nila sa Prima Donnas na si Aiko Melendez, gagawa na kaniya-kaniyang pangalan sina Jillian, Althea, at Sofia.

"I think they are going to make their own identity without having to follow anybody's footsteps," sagot ni Aiko.

"Mukhang magagaling na artista sila and mayroon silang magiging puwang at puwesto sa industriya."

Sumang-ayon naman sa sinabi ni Aiko ang direktor ng Prima Donnas na si Direk Gina Alajar.

"Wala akong naaalala [kasi] wala silang katulad eh," ani Direk Gina.

"Natutuwa ako sa kanila kasi ang gagaling nila. At a very young age, nakikinig sila at lahat nasusundan nila.

"At a very young age, may gusto silang mangyari sa sarili nila.

"At a very young age, gusto nilang maging successful sila.

"At a very young age, kikilalanin sila na mahusay na artista."

Bukod kina Aiko, Jillian, Althea, at Sofia, kasama rin sa Prima Donnas sina Katrina Halili, Wendell Ramos, Chanda Romero, Elijah Alejo, at Benjie Paras.

Panoorin ang world premiere ng Prima Donnas ngayong August 19 sa GMA Afternoon Prime.