TV

WATCH: 'Prima Donnas' star Jillian Ward channels inner Heart Evangelista while going to the market

By Aaron Brennt Eusebio

Hindi nagpahuli ang bida ng Prima Donnas na si Jillian Ward at ipinakita niya kung paano siya pumunta ng palengke.

Viral: Heart Evangelista's outfit going to the grocery

Sa kanyang post sa Instagram, ibinahagi ni Jillian ang kanyang video kung saan naglalakad siya na parang isang modelo.

"Mayi on her way to the palengke," sulat ni Jillian sa caption, pagtukoy sa kanyang karakter sa 'Prima Donnas' na si Donna Marie.

Hindi naman napigilan ng kanyang Prima Donnas co-star na si Elijah Alejo na magkomento sa post ni Jillian.

Si Elijah ang gumaganap na Brianna, isa sa mga amo ni Donna Marie.

Aniya, "Mayi! Where's my clothes? Inuna mo pa talaga yang pagpunta mo sa palengke!"



Panoorin ang patindi na patindi na mga eksena ng Prima Donnas, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko.