TV

WATCH: Aiko Melendez, ipinasilip ang mga nagaganap sa 'Prima Donnas' set

By Aaron Brennt Eusebio

Ipinasilip ni Aiko Melendez kung ano ang nangyayari sa likod ng kamera tuwing nagte-taping sila sa Prima Donnas.

Sa kanyang latest vlog, in-interview din ni Aiko ang co-stars niya sa Prima Donnas na sina Jillian Ward, Althea Ablan, Sofia Pablo, Elijah Alejo, Katrina Halili, at Wendell Ramos.

Tinanong niya si Elijah, ang gumaganap na kontrabidang si Brianna, kung nag-e-enjoy siya sa pagiging kontrabida.

Sagot ni Elijah, "Opo, kasi po iba po yung role ko as Brianna sa iba ko pong roles before na puro iyak."

Dagdag ni Brianna, pinanood niya ang mga videos nina Aiko, Cherie Gil, at Glaiza de Castro para may inspirasyon siya sa pagganap na kontrabida.

Hindi rin nakaligtas si Sofia sa tanong ni Aiko kung sino ang tinutukoy niyang 'mahal' sa kanyang Facebook posts.

Sino kaya ito? Panoorin ang latest vlog ni Aiko na AIKOnfess: