TV

EXCLUSIVE: Jillian Ward sa sampal ni Chanda Romero sa 'Prima Donnas': 'It's an honor'

By Aaron Brennt Eusebio

Sa lalong tumintinding eksena sa 'Prima Donnas,' nasampal ng beteranang aktres na si Chanda Romero, na gumaganap bilang Lady Prima Claveria, si Jillian Ward, na gumaganap naman na Donna Marie.

Nakita kasi ni Lady Prima na nasa kamay nina Donna Marie, Donna Belle (Althea Ablan), at Donna Lyn (Sofia Pablo) ang nawawala niyang alahas kaya naman nasampal niya ang mga ito.

Prima Donnas, pinalayas ni Lady Prima | Ep. 43

Nang tanungin ng GMANetwork.com si Jillian kung ano ang masasabi niya sa scene nila ni Chanda, aminado si Jillian na isang karangalan ang masampal ng isang beteranang aktres.

"Actually, hinihintay ko po talaga yung ma-sampal po ako ni Tita Chanda since start pa lang po ng show," saad ni Jillian.

"Para po kasi sa akin, honor po 'yun na masampal niya ako.

"Two times rin po ako nasampal kasi two takes po pero grateful po ako na nakaka-work ko po ang mga veterans, at nasampal pa!"

Panoorin ang matinding eksena sa pagitan nina Chanda, Jillian, Althea, at Sofia sa Prima Donnas:

Panoorin ang Prima Donnas, weekdays sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko.

Prima Donnas: Aktingan Challenge with Jillian Ward, Althea Ablan, and Sofia Pablo