TV

Emotional reunion sa 'Prima Donnas,' nakakuha ng higit 1 million views

By Maine Aquino

Maraming naantig sa latest episode ng GMA afternoon soap na Prima Donnas.

Sa pinakahuli nitong episode ay nagharap na sina Lillian (Katrina Halili) at ang kanyang mga nawawalang anak na sina Donna Marie, Donna Belle and Donna Lyn.

Ang tatlong Donnas ay ginagampanan naman nina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo.

Ang madamdaming tagpo ay nakakuha na ng mahigit 1 million views sa YouTube. Naging trending video rin ito sa sikat na video streaming site.

Balikan ang kanilang emotional reunion sa video na ito.


Netizens, naantig ang damdamin sa muling pagkikita ng Donnas at ni Lilian sa 'Prima Donnas'