TV

WATCH: 'Prima Donnas' star Will Ashley, umamin na crush niya si Julie Anne San Jose

By Aaron Brennt Eusebio

Tahasang inamin ng isa sa teen stars ng Prima Donnas na si Will Ashley na isa sa mga crush niya ang nag-iisang Asia's Pop Diva na si Julie Anne San Jose.

IN PHOTOS: Julie Anne San Jose wins big at the 32nd Aliw Awards!

Sa kanilang collaboration ng kapwa artista at vlogger na si Bruce Roeland, tinanong silang dalawa kung sino ang kani-kanilang celebrity crushes.

"Mga crush ko? Unang una, Liza Soberano, Bianca Umali, Julie Anne San Jose, Kyline Alcantara, Sanya Lopez," pag-amin ni Will.

Tanong naman ni Bruce, "Sino 'yung pangatlo mo, bro?"

Sagot naman ni Will, "Si Julie? Hi! Hi crushie!"

Ang hindi alam ni Will, crush din pala ni Bruce si Julie.

"Ang mga crush ko, celebrity is first, Julie Anne San Jose, second, Julie Anne San Jose," saad ni Bruce.

Tinanong din sina Will at Bruce kung paano nagsimula ang kanilang pagkakaibigan.

Paano nga ba? Panoorin ang latest vlog ni Bruce Roeland:

Mapapanood si Will sa number 1 afternoon drama na Prima Donnas, weekdays pagkatapos ng Magkaagaw.

WATCH: Will Ashley, Ryzza Mae Dizon prank 'Prima Donnas' star Jillian Ward