TV

WATCH: Golden Cañedo, Will Ashley sing 'Prima Donnas's' theme song 'Huwag Kang Susuko'

By Aaron Brennt Eusebio

Nagpa-sample ng duet ang Kapuso singer na si Golden Cañedo at Prima Donnas actor na si Will Ashley. Kinanta nila ang theme song ng Prima Donnas na "Huwag Kang Susuko."

Sa latest vlog ni Elijah Alejo, isa rin sa mga bida ng Prima Donnas, nagkaabot sa dressing room ng All Out Sundays sina Golden at Will kaya naman nagkantahan muna sila.

"Paano ulit 'yung 'Huwag Kang Susuko?'" pabirong tanong ni Elijah kay Golden.

Kinanta tuloy ni Golden ang chorus ng theme song. Pagkatapos ni Golden, pinakita naman ni Will ang kanyang galing sa pagkanta at inawit din ang sikat na theme song.

Panoorin ang kanilang duet sa latest vlog ni Elijah:




Tutukan pa rin ang mas lalong gumagandang istorya ng Prima Donnas, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Magkaagaw.

LOOK: Playlist Sessions ng 'Prima Donnas' OST, umani ng mahigit 1M views