TV

Galit ni Lady Prima kay Donna Marie | Ep. 116

By Aaron Brennt Eusebio

Sa January 27 episode ng Prima Donnas, pumayag sina Jaime (Wendell Ramos) at Lady Prima (Chanda Romero) na tumira sa kanilang bahay sina Lilian (Katrina Halili) at Donna Marie (Jillian Ward) sa kasunduang magiging katulong nila ang mga ito.

Dahil nakatira na sa bahay ng mga Claveria sina Lilian at Donna Marie, lalong namang nanggigil si Kendra (Aiko Melendez) sa kanila na nauwi sa sagutan ng dalawa.

Sa pag-aaway nina Lilian at Kendra, hindi sinasadyang nabasag ni Donna Marie ang mamahaling flower vase ni Lady Prima.

Muli ba silang papalayasin ni Lady Prima? Alamin ang sagot at panoorin ang January 28 highlights ng Prima Donnas:

Huwag palampasin ang lalong gumagandang istorya ng nangungunang afternoon drama sa Pilipinas, ang Prima Donnas, Lunes hanggang Sabado sa GMA Afternoon Prime.