GMA Logo Jillian Ward
What's on TV

Jillian Ward, naninibago ngayong wala siyang taping dahil sa COVID-19

By Aaron Brennt Eusebio
Published May 26, 2020 5:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - PCO press briefing (Dec. 16, 2025) | GMA Integrated News
P20.6M illegal drugs seized in Tagbilaran City, Bohol
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward


Nagtatrabaho na si Jillian Ward mula noong 2009 kaya naman aminado siyang naninibago siya ngayong walang taping dahil sa COVID-19.

Dahil pansamantalang tumigil sa taping ang Prima Donnas, aminado ang isa sa lead stars ng show na si Jillian Ward na nami-miss na niyang magtrabaho kasama ang kanyang co-stars.

Mula kasi noong pumasok si Jillian sa industriya noong 2009 ay naging parte na ng kanyang buhay ang pag-arte.

“Nasanay po ako na kasama ko sila, marami din po kaming natututunan sa kanila,” saad ni Jillian tungkol sa kanyang veteran co-stars.

Ngayong nasa bahay lang si Jillian, inilalaan niya ang oras na ito para matutong magtulo at mag-workout.

Aniya, “Ang alam ko po kasi kapag nag-e-exercise 'yung tao parang mas nagiging happy po sila kasi lumalabas 'yung mga happy hormone. [Tsaka] gusto ko rin po maging fit pa rin.”

Panoorin ang buong report ni Cata Tibayan sa 24 Oras:

Elijah Alejo, nilinaw na hindi sila magkaaway ni Jillian Ward