TV

'Prima Donnas' Viber stickers, available na!

By Aaron Brennt Eusebio

Mga Kapuso, available na sa Viber ang mga nakakaaliw at nakakatawang stickers ng GMA Afternoon Prime drama na Prima Donnas!

Hindi man umeere sa telebisyon, araw-araw n'yo nang makikita sina Jillian Ward, Althea Ablan, Sofia Pablo, at Elijah Alejo sa kanilang Viber stickers.

Hindi rin nagpatalo ang adult cast na sina Katrina Halili, Wendell Ramos, Aiko Melendez, at Chanda Romero sa kani-kanilang witty at funny lines!

Para i-download, pumunta lang sa link na ito.

Nami-miss n'yo na ba ang Prima Donnas? Huwag mag-alala dahil mapapanood ninyo ang full catch-up episodes nito sa GMANetwork.com o sa GMA Network App.