TV

Aiko Melendez, may payo sa 'Prima Donnas' teen stars kung paano i-handle ang bashers

By Aaron Brennt Eusebio

Taos-pusong nagbahagi ng mga payo ang batikang aktres na si Aiko Melendez para sa teen stars ng Prima Donnas na sina Jillian Ward, Althea Ablan, at Elijah Alejo.

Sa Prima Donnas: Watch From Home, pinayuhan ni Aiko ang teen stars na huwag lumaki ang ulo kung gusto nilang magtagal sa showbiz.

Aniya, “Huwag na huwag lalaki ang ulo niyo. Kung ano mang achievement ang nararating niyo ngayon, don't ever look down on the people on your way up.”

“Kung sino 'yung mga kasama niyo noong na nag-i-start kayo, nag-u-umpisa kayo, dapat 'yun pa rin 'yung kasama niyo on your way up.

“Humility is the key to stay long in this business.”

Aiko Melendez with 'Prima Donnas' co-stars Jillian Ward, Althea Ablan, and Sofia Pablo. Source: aikomelendez (IG)

Tinanong naman ni Elijah Alejo, ang gumaganap na kontrabida sa Prima Donnas, kung paano hina-handle ni Aiko ang bashers.

Sagot ni Aiko, “'Pag may bashers ako lately sa Instagram, or any social media accounts ko, I read it then if I find it amazing, I reply, but patawa ang pag-reply ko.”

“Pero 'pag medyo offensive na and anything to do with my kids and with my loved ones, pinapranka ko talaga at dini-dm ko.

“Hindi ko pinapakita sa tao 'yung sagot ko. Dini-dm ko talaga sila at tinuturuan ko sila ng manners 101.”

Panoorin ang payo ni Aiko kina Jillian, Althea, Elijah, at ilan pang teen stars ng Prima Donnas: