TV

'Prima Donnas,' magbabalik telebisyon simula August 17

By Aaron Brennt Eusebio

Hindi n'yo ba nasimulan ang Kapuso afternoon drama na Prima Donnas?

Magbabalik telebisyon na sina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo bilang sina Donna Marie, Donna Belle, at Donna Lyn ng 'Prima Donnas' simula August 17.

Huwag mag-alala dahil simula August 17, muling mapapanood sa GMA Afternoon Prime kung paano nagsimula ang kwento ng magkakapatid na sina Donna Marie, Donna Belle, at Donna Lyn.

Babalikan rin sa Prima Donnas ang ilan sa mga eksenang tumatak na siguradong nagpaluha, nagpatawa, at nagpakilig sa ating lahat.

Tutukan ang pagbabalik ng Prima Donnas sa telebisyon sa August 17, 3:25 pm sa GMA Afternoon Prime.