TV

'Prima Donnas' star Vince Crisostomo, nagbigay ng payo sa mga may online class

By Aaron Brennt Eusebio

Nagbigay payo ang aktor na si Vince Crisostomo sa mga kapwa niyang mag-aaral na hindi pa nakakapag-adjust sa online classes.

Sa pakikipag-usap ni Vince sa Kapuso Artistambayan kasama ang kanyang co-stars sa Prima Donnas na sina Jillian Ward, Elijah Alejo at Will Ashley, sinabi niyang mag aral nang mas mabuti ang mga mag-aaral dahil hindi lahat ng tao ay mayroong oportunidad na makapag-aral sa gitna ng pandemya.

Freshman si Vince sa De La Salle University Manila kung saan kumukuha siya ng double degree sa Behavioral Studies at Applied Operational Management.

Saad niya, "Ako po, isa lang mapapayo ko. Siguro, really take this time to really study hard kasi mayroong mga students na hindi talaga nakakapag-aral ngayon.

"So if you're blessed na nakakapag-aral ka, then might as well really study hard for it.

"Parang take it na, concentrate, focus, and just study hard."

Bukod kay Vince, naka-online learning din si Will na ngayon ay Grade 12 na.

Payo ni Will, "Maging chill lang sila, relax lang sila.

"Alam ko na sobrang daming estudyante ngayon na talagang na-i-stress sa online class ngayon gawa ng napakaraming modules.

"Pero kahit na ganon, wag natin i-take 'yun sa masamang way. Kumbaga, tingnan natin siya na ikakaganda ng future natin.

"Kumbaga, gawin natin 'yun nang mabuti, wag tayong magpaka-stress."

Mayroon ding payo sina Jillian at Elijah sa mga estudyante upang maiwasan ang stress pagdating sa online classes. Parehong naka-home schooling sina Jillian at Elijah dahil sa kanilang trabaho bilang mga actress.

Panoorin ang kanilang mga pahayag sa video sa itaas. Maaari n'yo rin itong mapanood DITO.

Simula November 9, mapapanood na ang all-new episodes ng Prima Donnas mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Ika-6 na Utos.

Related content:

'Prima Donnas' teen stars, nagkuwento ng struggles nila sa online class