TV

Donna Lyn, pinakiusapan si Jaime na iurong ang demanda laban kay Lilian | Episode 164

By Aaron Brennt Eusebio

Sa November 18 episode ng Prima Donnas, napakiusapan ni Donna Lyn (Sofia Pablo) ang kanyang ama na si Jaime (Wendell Ramos) na iurong ang kasong isasampa nito laban kay Lilian (Katrina Halili).

Hindi naman sang-ayon si Lady Prima (Chanda Romero) at Kendra (Aiko Melendez) sa desisyon ni Jaime na ipagpaliban ang demanda laban kay Lilian.




Kung si Donna Lyn ay naniniwala sa sinabi ni Lilian na gusto nilang ipapatay ni Kendra, pinagdududahan naman ni Donna Belle (Althea Ablan) si Lilian.




Dahil dito, tinatangkang kunin ni Brianna (Elijah Alejo) ang loob ni Donna Belle upang masira ang relasyon ng dalawang Donnas.




Kung hindi n'yo napanood ang November 18 episode ng Prima Donnas, pumunta lamang sa GMANetwork.com upang mapanood ito at ang iba pang episodes ng programa.