TV

Lilian, piniyansahan ni Donna Marie sa tulong ni Cedric | Episode 165

By Aaron Brennt Eusebio

Sa November 19 episode ng Prima Donnas, nakahanap ng paraan si Donna Marie (Jillian Ward) na piyansahan ang kanyang inang si Lilian (Katrina Halili) sa tulong ni Cedric (Vince Crisostomo), na siyang nagpahiram ng pera.

Upang magpasalamat, isang mahigpit na yakap ang binigay ni Lilian sa kanyang anak na si Donna Marie.

Ngayong nakalaya na si Lilian, inis na inis naman si Kendra (Aiko Melendez) na naisahan siya ng kanyang karibal.

Samantala, tuloy pa rin ang pagkuha ni Brianna (Elijah Alejo) sa loob ni Donna Belle (Althea Ablan) para tuluyang lumayo ang loob nito kay Lilian.

Kung hindi n'yo napanood ang November 19 episode ng Prima Donnas, pumunta lamang sa GMANetwork.com upang mapanood ito at ang iba pang episodes ng programa.