TV

Cast ng 'Prima Donnas,' naka-hotel quarantine na para sa kanilang lock-in taping

By Aaron Brennt Eusebio

Ready na ang buong cast ng Prima Donnas sa pangunguna nina Jillian Ward, Althea Ablan, Sofia Pablo, at Elijah Alejo para sa unang lock-in taping ng ikalawang season ng kanilang programa.

Kailangan ng mga artista at production crew na mag-hotel quarantine muna bago tumungo sa lock-in taping upang makasiguradong negatibo sila sa COVID-19.

Habang naka-hotel quarantine, nagkaroon na rin ng virtual script reading ang cast kasama ang mga direktor ng Prima Donnas na sina Gina Alajar at Philip Lazaro, at ang executive producer na si Erwin Hilado.

Kasama sa script reading sina Aiko Melendez, Wendell Ramos, Katrina Halili, Chanda Romero, Will Ashley, at Vince Crisostomo.

Dumalo rin ang batikang aktres na si Sheryl Cruz, isa sa mga bagong karakter sa Prima Donnas Season 2.

Abangan ang Prima Donnas Season 2, malapit na sa GMA Afternoon Prime.