TV

Althea Ablan, pinatunayan na kaya niya ring maging kontrabida

By Aaron Brennt Eusebio

Ipinamalas nina Kapuso teen stars Althea Ablan at Elijah Alejo ang kanilang galing sa pag-arte nang nagkaroon ng role reversal sa 'Prima Donnas: Watch From Home.'

Sa kanilang online show noong Biyernes, July 3, naging si Brianna si Althea samantalang si Donna Belle naman si Elijah.

Komento naman ng mga batikang aktres na sina Katrina Halili at Aiko Melendez, bagay rin kay Althea ang maging kontrabida.

Panoorin ang kanilang mainit na paghaharap:

Isa pa sa trending scene na ni-reenact nina Althea at Elijah ang kanilang mainit sa harapan sa kanilang eskwelahan bago lumabas ang kanilang DNA results.

Panoorin ang isa pang intense na aktingan na pinamalas nina Althea at Elijah:

Pagpapalit ng roles nina Katrina Halili at Aiko Melendez, pinusuan ng netizens

Miggs Cuaderno at Eunice Lagusad, pinakita ang kanilang versatility sa aktingan