TV

'Prima Donnas' stars, babalikan ang kanilang 'Ang Pinaka' moment!

By Aaron Brennt Eusebio

Muling babalikan ng ilan sa mga cast ng Prima Donnas ang kanilang mga eksenang tumatak mamayang 5pm sa 'Prima Donnas: Watch From Home.'

Bukod sa mga nakita sa telebisyon, babalikan din nina Jillian Ward, Althea Ablan, Elijah Alejo, Aiko Melendez, at Katrina Halili ang ilang behind-the-scenes moments na hindi nila malilimutan.

Ang magiging host ng 'PNPD: Pinaka Ng Prima Donnas' ay ang komedyanteng sina Wendell Ramos at Benjie Paras.

Tumutok lang mamayang 5pm sa YouTube Channel, Facebook page, at Twitter account ng GMA Network upang mapanood ang 'Prima Donnas: Watch From Home.'

'Prima Donnas' stars, masayang nagkulitan sa kanilang reunion

Jillian Ward at Will Ashley, naging sina Kendra at Jaime sa 'Prima Donnas: Watch From Home'