TV

Wendell Ramos, naiyak sa isang eksena ng 'Prima Donnas' kahit wala sa script

By Aaron Brennt Eusebio

Ikinuwento ni Benjie Paras na may isang eksena sa Prima Donnas na biglang naiyak si Wendell Ramos kahit wala ito sa script.

Binalikan nina Benjie at Wendell ang trending videos ng Prima Donnas, at isa na rito ang eksena kung saan pumayag na ang karakter ni Wendell na si Jaime na ipa-DNA test ang tatlong Donnas.

Nang muling panoorin nina Benjie at Wendell ang nasabing clip noong Biyernes, July 10, sa 'Prima Donnas: Watch From Home,' ibinuking ni Benjie na nadala si Wendell sa akting ng mga bida ng Prima Donnas na sina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo.

“Sa eksenang po ito, para malaman n'yo, hindi po dapat iiyak si Wendell dito,” pahayag ni Benjie.

“Ang sinabi lang ni Direk dito, 'Hindi ka naman dapat umiyak pero kung ano 'yung kailangan mo i-arte.'

“So ibig sabihin po rito, 'yung nangyaring nagalit si Sofia, parang si Wendell, sinasabi niya sa sarili niya na hindi niya anak pero naiyak siya dahil may nararamdaman siya rito.”

Panoorin ang reaksyon ni Wendell sa paliwanag ni Benjie: