TV

Kris Bernal on Renz Fernandez: 'Gusto niya mag-excel siya sa show na ito.'


Muling magtatambal ang Royal Couple of Drama na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa upcoming early primetime series na Prinsesa ng Buhay Ko. Joining them is the son of Lorna Tolentino and the late Rudy Fernandez na si Renz, who will play the role of Aljur's brother, Luis. Sa interview ng Startalk with Kris and Aljur during the series' press conference, ikinuwento ng dalawa ang experience nila in working with Renz, pati na rin ang pressure na nararamdaman nila dala ng bagong hamon na ito sa kanilang career.

"Nakakatuwa si Renz kasi as first project niya, makikita mo sa kanya 'yung dedikasyon niya sa trabaho. Gusto niya mag-excel siya sa show na ito. Gusto niya after ng show na ito, may makuha pa siyang ibang roles or mas marami pang trabaho at opportunities," shares Kris about her new co-star.

Dagdag naman ni Aljur, "Bagay na bagay siya sa role niya dito, and nagpapasalamat ako na siya na 'yung makakatrabaho ko dito bilang isang kuya ko kasi nagki-click talaga kami ng sobra. Napaka-loving na kaibigan, napaka-supportive, napaka-honest. And I think 'yun ang pinakamagandang attitude."

Ang Prinsesa ng Buhay Ko rin ang kauna-unahang program ng GMA that will be shot in high definition. Ano naman ang nararamdaman ni Aljur tungkol dito?

"Very honored kami na kami 'yung unang programa sa GMA na nagkaroon ng high definition. Nagpapasalamat kami na kami 'yung nagkaroon ng opportunity na mabigyan ng ganitong pagkakataon na kami ang una," he says.

Pang-ilang beses na rin nilang magtatambal ni Kris sa isang teleserye, at marami na rin siyang nakitang pagbabago sa ka-loveteam. "As we go along kasi, habang tumatanda kami, mas marami kaming pinagdadaanan sa buhay, sa trabaho din namin. Kumbaga marami kaming natututunan, so as an actor, si Kris, sobrang mature na talaga niya, sobrang professional."

Para naman kay Kris, iba talaga kapag si Aljur ang kanyang kasama sa isang proyekto. "Fini-feel ko talaga ang bawat eksena. At saka naiisip ko, every time na may eksena ako with Aljur, parang iba pa rin talaga ang hugot ng emosyon ko, mas malalim talaga. Happy ako dahil napapaganda namin ang mga eksena namin."

Isa pang kakaiba sa series na ito ay ang unang pagsabak ni Kris sa isang romantic comedy, isang genre na hindi niya nakasanayan. Paano kaya niya pinaghandaan ito?

"Siyempre nag-workshop ako. Every week talaga I make sure na uma-attend ako ng acting workshop. Mayroon akong mga voice lessons, dance classes. Talagang nag-aral ako. First time ko gumawa ng romantic comedy. First time kong magpapatawa. Alam mo naman ako, sanay na sanay ako sa drama," paliwanag ni Kris.

Abangan sina Aljur Abrenica, Kris Bernal, and Renz Fernandez sa Prinsesa ng Buhay Ko, beginning September 23, bago mag-24 Oras. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com